Pangulong Marcos, ipinagpaliban ang pagpirma sa 2025 national budget

0
56

MAYNILA. Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipinagpaliban muna ang nakatakdang pagpirma sa P6.352 trilyong 2025 national budget, na sana ay gagawin sa Disyembre 20.

Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, ang desisyon ay upang mabigyan ng sapat na oras ang masusi at komprehensibong pagsusuri sa panukalang pambansang pondo na magsisilbing gabay sa direksyon ng bansa para sa susunod na taon.

“The scheduled signing of the General Appropriations Act on December 20 will not push through to allow more time for a rigorous and exhaustive review of a measure that will determine the course of the nation for the next year,” ani Bersamin.

Inilahad pa ni Bersamin na ang pag-aaral sa 2025 national budget ay pinangungunahan ni Pangulong Marcos, kasama ang mga pangunahing kagawaran ng gobyerno.

Bagaman wala pang tiyak na petsa kung kailan ito pipirmahan, ipinahayag ni Bersamin na may mga ilang probisyon at bahagi ng budget na papalitan o ibe-veto upang maisulong ang kapakanan ng publiko, sumunod sa fiscal program, at tiyakin ang pagsunod sa mga umiiral na batas.

“While we cannot yet announce the date of the signing, we can now confirm that certain items and provisions of the national budget bill will be vetoed in the interest of public welfare, to conform with the fiscal program, and in compliance with laws,” dagdag ni Bersamin.

Noong nakaraang linggo, sinabi ni Pangulong Marcos na hahanapan niya ng solusyon upang maibalik ang P10 bilyong tinapyas na pondo ng Kongreso para sa Department of Education (DepEd).

Dinipensahan din ng Pangulo ang hindi pagpapalalaan ng Kongreso ng budget para sa subsidiya ng PhilHealth, na tinutulan ng ilang sektor dahil sa mga isyu sa operasyon ng nasabing ahensya.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.