Pagpapalit ng disenyo ng PH banknotes, tinuligsa ng ATOM

0
30

MAYNILA. Mariing tinutulan ng August Twenty-One Movement (ATOM), isang grupong itinatag matapos ang pagkamatay ni dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr., ang desisyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na palitan ang mga imahe ng mga bayaning Pilipino sa bagong serye ng polymer banknotes. Sa halip, tampok sa bagong disenyo ang local wildlife ng bansa.

“Seriously, are we really going to forget those who have fallen during the night? Do we really want a country devoid of heroes? Are they trying to make us forget that the blood of heroes runs in our veins so they can replace it with the blood of slaves and let tyrants rule again?” tanong ng ATOM, na nanawagan sa mga Pilipino na ipaglaban ang alaala ng mga bayani.

Dagdag pa ng grupo, “May the legacy and spirit of all our martyrs and leaders about to be removed from our bills continue to be remembered and serve as inspiration in the hearts of our people.”

Bagong Disenyo ng Polymer Banknotes

Ayon sa BSP, ang bagong polymer banknotes ay mas ligtas at mas matibay kumpara sa tradisyunal na paper banknotes. Tampok sa mga bagong polymer bills ang mga sumusunod na disenyo:

  • P1,000: Philippine Eagle at Sampaguita (ipinalabas noong Abril 2022)
  • P500: Visayan Spotted Deer at Acanthephippium mantinianum
  • P100: Palawan Peacock-Pheasant at Ceratocentron fesselii
  • P50: Visayan Leopard Cat at Vidal’s lanutan

Ipinaliwanag ni BSP Assistant Governor Mary Anne Lim na bagama’t binibigyang-diin ng polymer series ang biodiversity ng Pilipinas, mananatili pa rin sa sirkulasyon ang paper banknotes na tampok ang mga bayaning Pilipino.

“It will co-circulate so our paper banknotes featuring our Philippine heroes will still be there,” ani Lim. Dagdag pa niya, “Ang aming stance talaga ay parehas na importante sa ating kultura at sa ating history. And so, both are being honored and celebrated through our banknotes.”

Patuloy na Pagtampok sa mga Bayani sa Paper Banknotes

Mananatili pa rin sa new-generation paper currency series of 2020 ang mga bayaning Pilipino tulad nina José Abad Santos, Vicente Lim, at Josefa Llanes Escoda sa P1,000 bill; at sina Ninoy at Cory Aquino sa P500 bill. Tampok din sa ibang denominasyon ang mga dating presidente ng bansa tulad nina Diosdado Macapagal, Manuel Roxas, at Sergio Osmeña.

Mas Matibay, Mas Sulit?

Bagaman at iniimprenta sa Australia ang mga bagong polymer banknotes, iginiit ng BSP na magiging “cost efficient” ito sa pagtagal dahil sa tibay nito kumpara sa tradisyunal na papel na salapi.

Gayunpaman, nananatiling mainit ang diskusyon sa isyung ito, lalo na at maraming Pilipino ang naniniwalang mahalagang manatili ang mga bayani sa disenyo ng pera upang patuloy na ipaalala ang kanilang naging ambag sa kasaysayan ng bansa.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.