Pagtakbo ni Quiboloy sa Senado, idudulog ng WPP sa korte suprema

0
72

MAYNILA. Dinala na ng Workers’ and Peasants’ Party (WPP), sa pamumuno ni senatorial candidate Sonny Matula, sa Korte Suprema ang isyu kaugnay ng desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na payagan si Pastor Apollo Quiboloy na tumakbo sa darating na 2025 elections, sa kabila ng mga kinakaharap nitong mabibigat na kaso.

Ayon kay Matula, maghahain sila ng petition for certiorari upang baligtarin ang ruling ng Comelec na kanilang inilarawan bilang hindi patas at may bahid ng diskriminasyon.

Una nang ibinasura ng Comelec ang petisyon ng WPP na ideklara si Quiboloy bilang nuisance candidate. Sa kabila nito, mariing kinondena ng WPP ang desisyon ng Comelec, na kanilang inihalintulad sa isang “biblical moment of injustice.”

“Mas pinili nila si Barabbas kaysa kay Hesus,” ayon sa pahayag ng WPP, na tumutukoy sa desisyon ng Comelec bilang kawalan ng hustisya sa demokratikong proseso.

Binatikos din ng WPP ang Comelec dahil sa tila pagbibigay umano ng pabor kay Quiboloy, na umano’y may “track record of breaking the law,” kaysa sa mga kandidatong may malinis na pangalan tulad nina Sultan Subair Mustapha ng Marawi at iba pang kanilang kandidato.

“This isn’t just an insult to the sultan or the democratic process—it’s an insult to logic and fairness. Why reward someone with a track record of breaking the law over a candidate with a clean slate?” ani Matula.

Matatandaang noong Nobyembre, idineklara ng Comelec bilang nuisance candidates ang karamihan sa 10-man Senate slate ng WPP, maliban kay Matula.

Patuloy ang paglaban ng WPP sa hustisya at patas na proseso, at umaasa silang mabibigyan ng kaukulang atensyon ng Korte Suprema ang kanilang petisyon laban sa desisyon ng Comelec.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.