Binatikos ng Palasyo si Ex-PRRD sa isyu ng fake news sa 2025 budget

0
44

MAYNILA. Pinabulaanan ng Malacañang ang alegasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa umano’y “discrepancies” sa 2025 national budget, na tinawag nitong bahagi ng pagkakalat ng fake news.

Sa pahayag na inilabas ni Executive Secretary Lucas Bersamin, sinabi niyang ang akusasyon ni Duterte at iba pang indibidwal ay isang uri ng “malicious peddling of fake news.”

“Some quarters, including a former president, have maliciously peddled fake news about President Marcos having signed the GAA (General Appropriations Act) of 2025 with certain parts of the enactment purposely left blank to enable the administration to simply fill in the amounts like in a blank check,” ani Bersamin.

“The peddling of such fake news is outrightly malicious and should be condemned as criminal. No page of the 2025 National Budget was left unturned before the president signed it into law,” dagdag pa niya.

Binanggit ni Bersamin na masusing sinuri ang lahat ng 4,057 pahina ng P6.326-trillion budget ng daan-daang professional staff mula sa Kongreso at Department of Budget and Management bago ito pinirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“This meticulous line-by-line scrutiny is a pre-enactment check performed by dedicated civil servants to ensure that the GAA contained no single discrepancy in the amounts being appropriated,” ayon sa kanya.

Imposible umanong magkaroon ng blankong bahagi sa anumang funding items sa budget.

Hanggang sa kasalukuyan, wala pang tugon mula sa kampo ni Duterte ukol sa pahayag ng Malacañang.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.