Mas maraming benepisyo sa matapat na PhilHealth members, isinusulong sa Senado

0
34

MAYNILA. Isinusulong sa Senado ang panukalang batas na magbibigay ng dagdag na benepisyo sa mga “loyal” o matapat na miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Sa ilalim ng Senate Bill na inihain ni Senador Loren Legarda, itatatag ang PhilHealth Member Recognition Program (PMRP), na layong gantimpalaan ang mga miyembrong regular at walang palyang naghuhulog ng kanilang kontribusyon. Bukod sa standard na mga benepisyo, magkakaroon din sila ng karagdagang insentibo.

“Many of our workers, from factory employees to small business owners, have faithfully contributed to PhilHealth for years, hoping for comprehensive support during times of need. Yet, they often feel that their contributions don’t translate into meaningful benefits,” pahayag ni Legarda.

Sa ilalim ng panukala, kikilalanin ang mga nakaraang kontribusyon ng miyembro hanggang 10 taon bago ipatupad ang programa o bago ang kanilang pagiging miyembro, alinman ang mauna. Ang mga regular na nagbabayad ay makakatanggap ng puntos na maaaring ipalit sa:
✔️ Mas maginhawang tirahan sa ospital
✔️ Karagdagang mga paggamot sa pangangalaga ng kalusugan
✔️ Mga gastusing hindi sakop ng insurance
✔️ Extra health benefits
✔️ Mga hindi-medikal na serbisyong may kaugnayan sa kalusugan

Ayon kay Legarda, layunin din ng panukala na bigyan ng hustisya ang mga matapat na miyembro at tiyakin na sila’y kinikilala sa kanilang patuloy na suporta sa sistema.

“This is our way of saying thank you to those who have stayed committed to the program. Their contributions have sustained the system, and it’s time we acknowledge their sacrifices,” dagdag ni Legarda.

Sa ngayon, patuloy ang deliberasyon sa Senado kaugnay ng panukalang batas na ito.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.