Escudero: Lahat ng 215 pirma sa impeachment complaints kontra kay VP Duterte, lehitimo

0
43

MAYNILA. Kinumpirma ni Senate President Chiz Escudero na lehitimo ang lahat ng 215 pirma ng mga mambabatas sa ikaapat na impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa isang press conference, sinabi ni Escudero na masusing sinuri ang mga pirma upang tiyakin ang kanilang authenticity.

“Visually, na-verify na ang lahat ng 215 signatures na wet signature nga. Tiningnan yan ng hindi bababa sa apat na tao na hindi bababa sa dalawang beses kada tao,” ani Escudero.

Dagdag pa niya, sa unang pagsusuri gamit ang visual perusal, kumpirmadong wet signature ang lahat ng pirma sa dokumento.

Gayunpaman, ibinunyag din ni Escudero na plano ng Senado na bumili ng isang application na gumagamit ng artificial intelligence (AI) upang higit pang mapatibay ang verification process.

“Yung initial na repaso nito, using a visual perusal [ay] wet signature lahat noong 215,” aniya.

Binigyang-diin ng Senate President na bahagi ng trabaho ng Senado ang tiyaking totoo at may pahintulot ng mga mambabatas ang lahat ng pirma sa impeachment complaint.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.