Betting station ng online sabong, hinoldap

0
342

Magallanes, Cavite. Hinoldap ang isang betting station ng online sabong na Pitmaster sa bayang ito kamakailan at natangay ag halagang Php 270,000.

Ang suspek na holdaper na kinilalang s Michael Hernandez ay kasalukuyang tinutugis ng mga miyembro ng Magallanes Police Station.

Ayon sa paunang report ng Magallanes PNP investigations division, diumano ay nagbibilang ng pera ang kahera ng nabanggit na betting station na kinilalang si Jezza Luna ng biglang pumasok sa cashier’s booth ang suspek at tinutukan siya ng baril. Ayon sa salaysay ni Luna, inutusan pa siya nitong ilagay sa isang eco bag ang pera.

Paglabas ng suspek ay nasalubong nito ang supervisor ng online sabong na kinilala namang si Ebenezer Lazarte na tinutukan din ng baril at kinuha ang bag na dala nito na naglalaman ng kabuuang kita ng sabong sa araw na iyon.

Batay sa mga salaysay ni Lazarte, humigit kumulang na Php 270,000 ang kabuuang halaga ng perang natangay ni Hernandez. 

Si Hernandez ay regular na mananaya sa hinoldap na betting station at diumano ay madalas itong matalo, dagdag pa ni Lazarte.

Photo credits: Putakputak.com
Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.