Nawawalang PAF fighter jet natagpuan sa Bukidnon: 2 piloto, patay

0
71

MAYNILA. Natagpuan na ang nawawalang FA-50 fighter jet ng Philippine Air Force (PAF) matapos itong bumagsak sa kagubatan ng Mount Kalatungan, Bukidnon nitong Miyerkules ng tanghali. Sa kasamaang-palad, kapwa wala nang buhay ang dalawang pilotong sakay nito.

Kinumpirma ang insidente ni AFP-Eastern Mindanao Command Chief Lt. Gen. Luis Rex Bergante at PAF Spokesperson Col. Ma. Consuelo Castillo.

Ayon kay Bergante, bandang alas-11 ng tanghali, natagpuan ng ground troops ng Philippine Army search and rescue teams ang crash site kung saan tumambad ang wasak na bahagi ng jet fighter. Agad na kinordon ang lugar upang bigyang-daan ang masusing imbestigasyon.

“The signals from the personal locators of our pilots were detected and that became our basis for the general area, at the same time, the area was mountainous and forested and foggy,” paliwanag ni Castillo.

PAF, Pinag-utos ang Grounding ng FA-50 Fleet

Kasunod ng trahedya, agad na iniutos ni PAF Chief Lt. Gen. Arthur Cordura ang grounding o pansamantalang pagpapahinto sa operasyon ng 11 pang FA-50 jet fighters habang iniimbestigahan ang insidente.

Samantala, tumanggi munang tukuyin ni Castillo ang pagkakakilanlan at ranggo ng dalawang nasawing piloto habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Matatandaang napaulat na nawawala ang FA-50 fighter jet matapos mawalan ito ng komunikasyon sa isa pang fighter jet noong Martes, habang isinasagawa ang isang flight mission. Ang aircraft ay lumipad mula Cebu patungo sa target area nang mangyari ang insidente.

Dagdag ni Castillo, ang mga piloto ng naturang FA-50 jet ay beterano at eksperto sa parehong araw at gabi na mga operasyon.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.