Walang bakuna ang unang namatay dahil sa Omicron sa US

0
182

 

Isang lalaki sa Texas na namatay kaugnay ng Omicron variant ay hindi nabakunahan at dati ng nahawa ng Covid-19, ayon sa isang release mula sa Harris County Public Health.

“The individual was at higher risk of severe complications from Covid-19 due to his unvaccinated status and had underlying health conditions,” ayon sa report.

Ang nabanggit na kaso ang unang nakumpirmang pagkamatay na may kaugnayan sa Omicron sa Estados Unidos.

Inanunsyo ni County Judge Lina Hidalgo ang noong Lunes na ang biktima ay isang lalaking 50 anyos.

Samantala, ang Omicron variant ang nangingibabaw na strain ng coronavirus ngayon sa US, na may bilang na mahigit na 73% ng mga bagong kaso noong nakaraang linggo, ayon sa data na nai-post noong Lunes ng CDC.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.