Chinese vessel lumubog sa Occidental Mindoro: 1 patay, 9 nawawala

0
99

SAN JOSE, Occidental Mindoro. Isang Chinese national ang nasawi habang siyam pang tripulante ang patuloy na pinaghahanap matapos lumubog ang isang barkong Tsino sa karagatang sakop ng bayan ng Rizal, Occidental Mindoro nitong Martes ng hapon, Abril 15.

Batay sa ulat ng pulisya, idineklarang dead on arrival sa ospital ang banyaga matapos masagip mula sa lumubog na barko.

Ang naturang barko, na kargado ng buhangin, ay naghahanda sanang maglayag bandang alas-4:30 ng hapon nang bigla itong tumagilid at tuluyang tumaob. Hindi pa inilalabas ng mga awtoridad ang pangalan ng nasabing sasakyang pandagat habang patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Ayon sa mga otoridad, may kabuuang 23 tripulante na mga Pilipino at Tsino ang sakay ng barko. Labing-tatlo na sa kanila ang nailigtas: anim na Pilipino at pitong Tsino.

Sa kasalukuyan, nagpapatuloy ang search and rescue operations para sa siyam pang nawawalang tripulante.

Iniimbestigahan na ng mga kaukulang ahensya ang posibleng dahilan ng paglubog ng barko.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.