Konting kembot na lang, kabayan

0
405

Inaasahang bago matapos ang buwan ng December, 2021, ay maaabot ng San Pablo City ang hangad na herd Immunity o population protection against Covid-19.

Sa huling ulat ay ang lungsod na ito pa rin ang nangunguna sa dami ng mga fully vaccinated at bahagyang naungusan ang Lungsod ng Cabuyao.

Lubos ang nagiging kagalakan dahil sa karangalang ito. Sa kabila ng katotohanan na ang ciudad natin ang may pinakamaliit ang taunang pondo kumpara sa ibang lungsod sa lalawigan ay tayo pa rin ang nangunguna mass vaccination program.

Subalit hindi nararapat lubusang magsaya sapagkat mahaba pa ang laban upang makamit ang ganap na tagumpay. Nasa tabi-tabi pa rin sina Alpha, Beta at Delta at inaasahan ang posibleng pagpasok ni Omicron sa ating lungsod.

Kaya’t patuloy ang panawagan ng lokal na pamahalaan na ang natitirang unvaccinated na San Pableños ay magtungo na sa mga vaccination sites upang maging protektado rin sa banta ng Covid-19.

Ang tanging ipinapangako ng Covid Vaccines ay hindi magiging malubha ang kalagayan ng ating kalusugan kung sakaling madapuan ng virus. Hindi magiging severe and critical at hindi kailangang ma ospital.

Pangunahin kaparaanan upang makaligtas ay ang laging pagsusuot ng face mask at face shield lalut nasa mga kulong na at hindi lampasan ang sirkulasyon ng hangin; pag iwas sa umpukan ng mga tao; physical/ social distancing; malimit na paghuhugas at pag aalkohol ng mga kamay; pagpapalakas ng immune system at pananatili sa tahanan kung walang masyadong halaga ang gagawing paglabas at paglalakbay.

Kaunting kembot na lang mga kababayan at hindi lamang ang kapaskuhan ang magiging masaya mandi”y pati ang papasok na Bagong Taon.

Author profile
sandy-belarmino
Sandy Belarmino

Si Sandy Belarmino ay 17 taon ng naglilingkod sa larangan ng pamamahayag. Naging broadcaster siya sa radyo at local TV.  Media correspondent din sya at columnist sa iba’t ibang dyaryo ng lokal sa San Pablo City. Si Sandy ay kasalukuyang pangulo ng Seven Lakes Press Corps.