P20 kada kilong bigas, mabibili na sa mga Kadiwa simula Mayo 2

0
53

MAYNILA. Simula Biyernes, Mayo 2, mabibili na sa mga Kadiwa Center ang de-kalidad na bigas sa halagang P20 kada kilo, ayon sa anunsyo ng Department of Agriculture (DA).

Ipinahayag ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel na ang nasabing bigas ay mula sa National Food Authority (NFA) at eksklusibong ibebenta para sa mga miyembro ng vulnerable sector, kabilang ang mga indigent, senior citizens, solo parents, at persons with disabilities (PWDs). Bawat benepisyaryo ay maaaring makabili ng hanggang 30 kilo ng bigas kada buwan.

Maaari ring palawakin ang bentahan para sa lahat ng residente sa 10 lokal na pamahalaan na nakibahagi sa inisyatiba ng mga gobernador sa Visayas, kabilang ang San Juan sa Metro Manila, San Jose del Monte sa Bulacan, Camarines Sur, at Mati City sa Davao Oriental.

Ayon kay Laurel, “The new rice option aligns with the ‘Bente Bigas Mo’ pilot program in the Visayas and in the 10 local government units (LGUs) that have joined the initiative, where NFA (National Food Authority) rice is sold at P33 per kilo due to the national food security emergency.”

Dagdag pa niya, “With world market prices now averaging just USD 300 per metric ton, down from a high of over USD 700—and with NFA buffer stocks at their strongest in years, we felt the conditions were finally right to launch.”

Sa pinakahuling monitoring ng DA, ang presyo ng kada kilo ng bigas sa Metro Manila ay nasa pagitan ng P39.99 hanggang P58.17.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.