Pagsisiwalat ng CCTV footage clip sa NAIA tragedy, iimbestigahan ng PNP-ACG

0
94

MAYNILA. Iimbestigahan ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ang mga social media user na umano’y nagpakalat ng CCTV footage kaugnay sa trahedyang naganap sa departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 noong Linggo.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon, hiniling na nila sa PNP-ACG na magsagawa ng masusing imbestigasyon upang matukoy kung sino ang responsable sa paglalabas ng sensitibong video.

“We have already coordinated with the PNP Anti-Cybercrime Group to investigate how the CCTV footage was leaked and who uploaded it online,” pahayag ni Dizon.

Dagdag pa niya, nakikipag-ugnayan na rin ang DOTr sa Manila International Airport Authority (MIAA) upang alamin kung paano lumabas sa publiko ang footage ng insidente na ikinamatay ng dalawang indibidwal, kabilang ang isang limang taong gulang na bata, matapos araruhin ng isang itim na SUV ang mga tao sa labas ng terminal.

Bukod sa mga nasawi, ilang iba pa ang sugatan sa nasabing insidente.

Nanawagan si Dizon sa publiko na maging responsable sa paggamit ng social media at igalang ang karapatan ng mga pamilyang naiwan ng mga biktima.

“Let us respect the grieving families and refrain from sharing photos and videos of the incident,” aniya.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pangyayari, kabilang ang pagbusisi sa seguridad at mga protocol ng NAIA upang maiwasan ang kahalintulad na insidente sa hinaharap.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.