Tinanggihan ng Comelec na pumasok ang EU obeservers sa polling place

0
47

MAYNILA. Hindi pinayagan ng Commission on Elections (COMELEC) ang hiling ng European Union Election Observation Mission na makapasok sa loob ng mga polling place sa darating na 2025 midterm elections na nakatakda sa Mayo 12.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, ang pagbibigay ng ganitong pahintulot ay direktang paglabag sa umiiral na batas ng Pilipinas. Tinukoy niya ang 1987 Constitution at ang Omnibus Election Code (OEC), partikular ang Article 7, Section 52(k) B.2 na nagsasaad:

“Members or units of any citizen group or organization so designated by the Comelec, except its lone duly ­accredited watcher, will not be allowed to enter any ­polling place except to vote, and shall, if they so desire, stay in an area at least fifty meters away from the polling place.”

“They (EU observers) asked, why are you not allowing us? I told them our Commission is ­willing to face the consequences simply because that is our law,” pahayag ni Garcia.

Ipinaliwanag pa ng poll chief na ang pangunahing tungkulin ng Comelec ay ipatupad ang batas, hindi labagin ito.

“Under the Constitution, the Comelec is there to enforce and administer the laws. Eh kung kami pa mismo ang violator ng batas natin, paano natin madi-disqualify ang mga kandidatong lumalabag sa batas kung ang Comelec mismo ang violator ng batas natin?” aniya.

Bagaman pinapayagan ang mga dayuhang election observers na magsagawa ng pagmamasid sa eleksyon sa bansa, malinaw na hindi sila maaaring pumasok sa loob ng mga polling place nang walang pahintulot mula sa chairman ng Electoral Board.

“Basic lang eh, hindi mo pa susundin. Basic lang na ito lang ang pupuwedeng pumasok. Kahit mag-issue kami ng resolution na papayagan sila, that resolution will be declared null and void. That resolution is illegal. Because a resolution that is contrary to law is no valid resolution at all. Iyan po ang maliwanag na paliwanag,” dagdag pa ni Garcia.

Sa kabila nito, iginiit ni Garcia na bukas pa rin ang Pilipinas sa mga international observers hangga’t sumusunod ang mga ito sa mga umiiral na alituntunin ng batas.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.