Libo-libong trabaho para sa mga Pilipino, bukas na sa Czech Republic

0
57

MAYNILA. Libo-libong trabaho ang naghihintay para sa mga Pilipino sa Czech Republic, ayon sa mga opisyal ng dalawang bansa sa pagbubukas ng Philippines–Czech Republic Friendship Week na ginanap sa tanggapan ng Department of Migrant Workers (DMW) sa Mandaluyong.

Ayon kay Department of Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, nagkasundo ang Pilipinas at Czech Republic na paigtingin ang mga oportunidad sa trabaho para sa mga Pilipinong manggagawa. Tiniyak din na pantay ang benepisyo ng mga Pilipino sa kanilang mga Czech counterpart.

“Equal ang benefits ng ating mga manggagawa sa benefits ng mga Czech workers, kasama na dito ang healthcare at sahod,” ani Cacdac.

Kinumpirma rin ni H.E. Karel Hejc, Ambassador ng Czech Republic sa Pilipinas, na ang pangunahing sahod ay nasa pagitan ng €2,000 hanggang €3,000 pataas, depende sa kakayahan ng aplikante. Katumbas ito ng mahigit P125,000 kada buwan.

Bukod sa mataas na sahod, may iba pang benepisyong naghihintay sa mga Pilipinong nais magtrabaho sa Czech Republic. “We offer not just salaries, but also good working conditions and benefits,” ani Hejc. Dagdag pa niya, mas pinipili ng mga employer sa Czech Republic ang mga Pilipino dahil sa kanilang mahusay na work ethic at pagiging palakaibigan.

Bukas ang mga job vacancies sa iba’t ibang sektor, healthcare, manufacturing, transportation, information technology, at iba pa.

Upang matugunan ang pangangailangan, tinaasan ng Czech Republic ang annual quota para sa mga manggagawang Pilipino mula sa dating 5,500 pataas sa 10,300 kada taon.

Dahil dito, inaasahang libo-libong bagong trabaho ang magbubukas para sa mga Pilipino sa mga susunod na taon.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.