MAYNILA. Nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Linggo laban sa mga indibidwal na nagpapanggap bilang mga opisyal ng ahensya upang manghingi ng pera para sa isang di-umano’y foundation.
Sa inilabas na abiso, sinabi ng PAGASA na nakatanggap sila ng ulat mula sa isang contractor na nakatanggap ng email mula sa isang pekeng opisyal ng ahensya na humihingi ng donasyon.
“We do not tolerate and detest that misrepresentation,” mariing pahayag ng PAGASA.
Dagdag pa ng ahensya, “Please be advised that no individuals or organization are authorized to use the name of PAGASA, its officials and employees for a favor.”
Hinikayat ng PAGASA ang publiko na agad i-report ang kahalintulad na mga insidente sa kanilang Public Information Unit sa numerong (02) 8284-0800 local 1100 hanggang 1101 o sa email address na information@pagasa.dost.gov.ph.
Nagpaalala rin ang ahensya na maging mapanuri at agad na mag-verify ng mga kahina-hinalang komunikasyon na nag-aangking mula sa PAGASA o sa sinumang konektado rito.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo