Face masks, hindi panlaban sa Mpox — DOH

0
93

MAYNILA. Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi mabisang proteksyon laban sa monkeypox o Mpox ang pagsusuot ng face masks.

Ayon kay DOH Spokesman at Assistant Secretary Albert Domingo, hindi dapat tumaas ang presyo ng face masks dahil hindi ito nakakatulong upang maiwasan ang Mpox.

Ipinaliwanag ni Domingo na ang Mpox ay hindi airborne, kaya’t kahit magsuot ng face mask, maaari pa ring mahawahan kung makikipaghalikan o makikipagyakapan sa taong may sakit.

“Hindi face masks ang panangga sa Mpox. Wag nilang tataasan ang presyo at wag nilang sabihin na mataas ang demand dahil DOH na ang nagsasabi na hindi ‘yan ang ginagamit sa Mpox. Ang importante dito ay ‘yung balat sa balat,” ani Domingo.

Dagdag pa niya, ang Mpox ay hindi sexually transmitted disease at maaaring makuha kahit sa simpleng paghalik o pagyakap.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.