Walang Pilipinong nasaktan sa pag-atake ng Iran sa U.S. base sa Qatar

0
804

MAYNILA. Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Qatar na walang Pilipinong nasaktan sa isinagawang missile strike ng Iran sa U.S. Al-Udeid Air Base sa katimugang bahagi ng Doha noong Lunes ng gabi.

Ayon sa pamahalaan ng Qatar, walang nasawi o nasugatan sa naturang pag-atake. Tiniyak din ng mga awtoridad na handa ang bansa na tumugon sa anumang banta sa seguridad ng estado at ng mga naninirahan dito.

Naglabas ng paalala ang embahada sa mga Pilipino sa Qatar na manatiling alerto, mahinahon, at handa. Hinihikayat din ang lahat na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo ng embahada at lokal na pamahalaan.

“Manatiling maalam, listo, mahinahon, at handa,” saad sa opisyal na pahayag ng embahada.

Ang naturang pag-atake ay ganti ng Iran sa pambobomba ng Estados Unidos sa ilang nuclear facilities nito noong nakaraang weekend.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo