57% ng mga Pilipino, pabor na muling sumali ang bansa sa ICC — OCTA

0
469

MAYNILA. Lumabas sa pinakahuling survey ng OCTA Research na 57 porsyento ng mga Pilipino ang pabor na muling sumapi ang Pilipinas sa International Criminal Court (ICC), habang 37 porsyento naman ang tutol at 6 porsyento ang walang pasya.

Batay sa Tugon ng Masa nationwide survey na isinagawa mula Abril 20 hanggang 24, malakas ang suporta sa muling pakikiisa sa ICC sa Metro Manila, Balance Luzon, at Visayas, kung saan 60 porsyento ng mga respondent ang nagsabing pabor sila sa hakbang.

Sa Mindanao, lumabas na 30 porsyento lang ang sang-ayon sa muling pagsali ng bansa sa ICC, habang 66 porsyento naman ang tumutol.

Ayon sa datos, karamihan sa mga sumusuporta sa pagbabalik-ICC ay mula sa age group na 18 hanggang 24-anyos, samantalang ang mga tutol ay kadalasang nasa edad 35 hanggang 54.

Lumahok sa naturang survey ang 1,200 respondents na mga lalaki at babae na may edad 18 pataas. Isinagawa ito sa pamamagitan ng face-to-face interviews.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo