15 pulis na iniugnay sa missing sabungeros, hinigpitan ng DOJ

0
559

MAYNILA. Inanunsyo ng Department of Justice (DOJ) na isinailalim na sa “restricted duty” ang 15 miyembro ng Philippine National Police (PNP) na sangkot umano sa pagkawala ng mga sabungero.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, hindi na pinapayagang sumali sa anumang operasyon ang naturang mga pulis at inatasang mag-report na lamang sa mga itinalagang opisina.

“There are now restrictions on 15 members of the Philippine National Police involved in the missing ‘sabungeros’ case. They are now on restricted duty and are required to report to designated offices so they can no longer participate in operations,” pahayag ni Remulla.

Tiniyak din ng kalihim sa mga kaanak ng mga biktima na patuloy ang hakbang ng DOJ upang maresolba ang kaso. Nakipagpulong si Remulla sa mga pamilya ngayong Biyernes para magbigay ng update.

Matatandaang inihayag ng whistleblower na si Julie “Totoy” Patidongan na isang sindikato, na binubuo umano ng 20 makapangyarihang negosyante na tinaguriang “Alpha” group, ang nasa likod ng serye ng pagdukot. Ayon sa kanya, may ilang tiwaling pulis na kasabwat sa operasyon, at ilan sa mga biktima ay itinapon umano sa Taal Lake.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.