Labi ng tao, natagpuan sa mga butong narekober sa Taal Lake — PNP

0
439

MAYNILA. Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na mayroong mga labi ng tao sa mga butong narekober sa Taal Lake noong nakaraang linggo habang isinasagawa ang search operations para sa mga nawawalang sabungero.

Ayon kay PNP chief Gen. Nicolas Torre III, “We recovered mixed bones, because you know there’s a farm in that area, Taal is a place of farming, so everything [is] there,” ani Torre sa isang press briefing nitong Lunes. Kumpirmado umano na kabilang sa mga butong natagpuan ang mga human remains.

Isinasailalim na ngayon sa pagsusuri ng Forensic Group ng PNP ang mga DNA sample ng hindi bababa sa 12 kaanak ng mga nawawalang sabungero upang i-match sa mga narekober na labi.

Ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo, kung magtatagpo ang resulta ng DNA testing, ito ang magiging patunay na pumanaw na ang mga nawawalang sabungero.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.