5 patay, higit 800,000 apektado ng bagyong ‘Crising’ at habagat — NDRRMC

0
480

MAYNILA. Lima na ang naiulat na nasawi dahil sa epekto ng Severe Tropical Storm Crising at habagat, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Lunes, Hulyo 21.

Umakyat na rin sa lima ang bilang ng mga nasugatan, mula sa tatlong naitala noong Linggo, habang pito ang kasalukuyang nawawala.

Ayon sa NDRRMC, umabot sa 800,864 indibidwal o katumbas ng 225,985 pamilya ang naapektuhan ng masamang panahon sa 1,556 barangay sa bansa.

Sa bilang na ito, 20,115 katao o 5,921 pamilya ang kasalukuyang nanunuluyan sa mga evacuation center, habang 70,720 indibidwal o 16,671 pamilya naman ang pansamantalang nakikituloy sa labas ng mga evacuation site.

Photo courtesy of the Philippine Coast Guard
Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.