Paano alagaan ang inyong aso sa panahon ng New Years Eve, ayon kay City Vet Farah Jayne Ursolino

0
549

Halos lahat ng hayop ay natatakot sa putok na nagiging dahilan kaya sila ay tumatakbo o nagtatago. Ang mga aso kapag natakot sa putok ay nagtatago o tumakas. kung minsan nasasaktan sila dahil sa karindihan.

Ayon kay San Pablo City Vet Dr. Farah Jayne Ursolino, may mga paraan upang hindi ma stress ang aso sa ingay at putukan sa New Year’s Eve.

“Huwag dalhin ang aso sa mga fireworks at firecracker display. Ang mga aso ay may higit sa dalawang beses ng sensitivity sa pandinig. Ang lahat ng ingay ay mas malakas ng dalawang beses para sa kanila,” ayon kay San Pablo City Vet Dr. Fara Jayne Ursolino.

Narito ang ilang payo ni Dr. Jayne kung paano aalagaan ang aso sa oras ng putukan sa Bagong Taon:

Tiyakin na naka-on ang kanilang mga collar at dog tag sa New Year’s Eve. I check kung kumpleto ang mga contact details sa tag.

Hayaang mag exercise ang aso para makatulog kaysa ma- stress sa mga ingay ng party. Bigyan sya ng tubig at mag potty muna bago sumapit ang Bagong Taon.

Sa Bisperas ng Bagong Taon, itago ang iyong mga alagang hayop sa isang ligtas na kwarto na hindi ito makakalabas at hindi makakapasok ang mga tao. Bigyan sila ng higaan at kumot. Isara ang mga bintana upang ang ingay ay hindi masyadong malakas at hindi sila makalabas. Mag-iwan lamang ng sapat na opening para sa bentilasyon. Magpatugtog ng nakakarelaks na musika. I-on ang air conditioner kung iyon ay isang opsyon. Panatilihing sarado ang pinto.

“Huwag po tayong gumamit ng watusi sa loob ng bahay dahil pwedeng madilaan ng aso ang mga ito mula sa sahig at ang mga ito ay nakamamatay. Tiyakin din po na hindi maaabot ng mga aso ang mga paputok. At higit sa lahat huwag natin silang bibigyan ng ang dangerous foods, dagdag pa ni Dr. Jayne.

Basahin ang listahan ng Mapanganib na Pagkain sa WebMD na naka-post sa:

http://pets.webmd.com/dogs/ss/slideshow-foods-your-dog-should-never-eat

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.