MAYNILA. Inihain ng Makabayan bloc sa Kamara ang panukalang batas na naglalayong itaas sa P1,200 ang minimum wage ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa buong bansa.
Ang House Bill 2599 o ang National Minimum Wage Act ay inihain nina ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio at Kabataan Partylist Rep. Renee Co. Layunin nitong amyendahan ang Labor Code, buwagin ang Regional Wage Boards at magtatag ng isang National Wages and Productivity Board bilang kapalit.
Kasunod ito ng kabiguang maipasa sa 19th Congress ang panukalang P200 umento sa sahod.
Kapag naisabatas, awtomatikong magiging P1,200 ang minimum wage sa lahat ng rehiyon. Ayon sa paliwanag ng panukala, ang halagang ito ay dapat sapat upang matustusan ng isang manggagawa ang mga pangunahing gastusin ng kanyang pamilya, kabilang ang physiological, social at iba pang pangangailangan, upang mapanatili ang isang marangal na pamumuhay na lampas sa antas ng subsistence at may sapat na probisyon para sa social security.
“It shall be of such amount which is sufficient for a worker to provide their family the basic and necessary expenditures that take into consideration all of their family’s physiological, social and other needs, so as to enable them to live and maintain a decent standard of living beyond mere subsistence, with adequate allowance for social security,” ayon sa panukala.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo





