Kamara nag apela sa SC para baligtarin ang pagbasura sa impeachment laban kay VP Sara

0
448

MAYNILA. Naghain ng Motion for Reconsideration (MR) ang Kamara sa Korte Suprema upang baligtarin ang desisyon nitong nagbasura sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte at payagan ang Mababang Kapulungan na gampanan ang eksklusibong kapangyarihang magsampa ng kaso laban sa isang impeachable official, habang ang Senado naman ang litis sa kaso.

Ayon sa Office of the Solicitor General, isinumite kahapon sa pamamagitan ng Philippine Judiciary Portal ang mga dokumento ng apela, na kopya ay ibinahagi ng House Prosecution Panel.

“With full respect for the Constitution, in defense of institutional balance, and in the name of the Filipino people, the House of Representatives has filed a Motion for Reconsideration before the Supreme Court. This is not an act of defiance. It is an act of duty,” pahayag ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Binigyang-diin ni Romualdez na hindi hinahamon ng Kamara ang kapangyarihan ng Korte Suprema, kundi nais lamang nitong mapanatili ang papel ng Mababang Kapulungan bilang boses ng taumbayan sa paghahanap ng hustisya at pananagutan sa batas. Giit niya, nakasaad sa 1987 Konstitusyon na tanging ang Kamara ang may eksklusibong kapangyarihan na magsimula ng impeachment proceedings.

“That power is not shared. Not subject to pre-approval. And not conditional. Yet in G.R. No. 278353, the Supreme Court ruled otherwise based on a misreading of facts and a retroactive imposition of new rules,” dagdag ni Romualdez.

Noong Pebrero 5, 2025, naipasa ng Kamara sa Senado ang ikaapat na impeachment complaint na pirmado ng 215 mambabatas. Ayon sa Kamara, ito lamang ang may bisa dahil ang naunang tatlong reklamo ay hindi umabot sa House Committee on Justice, kaya walang paglabag sa one-year bar rule na iginiit ng SC.

Napag alaman na sa 15 mahistrado ng Korte Suprema, 12 ang appointees ng dating Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon pa kay Romualdez, sa mga nakaraang impeachment, ang paglilitis ay eksklusibong ginaganap sa Senado at walang hurisdiksyon dito ang SC. Aniya, ang bagong panuntunang ipinatupad ng Korte Suprema ay “sobrang unfair.”

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.