Naglabas ang Department of Budget and Management (DBM) ng karagdagang P1B sa mga local government units (LGUs) sa Region IV-B (P84.38 milyon), Region VI (P248.35 milyon), Region VII (P202.66 milyon), Region VIII (P115.43 milyon), Region X (P84.37 milyon) at Region XIII (264.81 milyon) upang tulungan sila sa pagtugon sa mga pinsalang dulot ng Bagyong Odette.
Ang mga alokasyon para sa kani-kanilang mga rehiyon ay kinalkula batay sa bilang ng mga apektadong kabahayan at sa tamang halaga ng pinsalang idinulot ng Bagyong Odette sa mga imprastraktura at sektor ng agrikultura sa mga nabanggit na rehiyon, batay sa iniulat kamakailan ng Department of Social Welfare and Development:
Ang kabuuang pangangailagan sa pondo ay ibinawas din mula sa FY 2021 Contingent Fund at ida-download ng Bureau of Treasury sa kanya kanyang awtorisadong government servicing banks ng mga benepisaryong LGU.
Sa pangkalahatan, ang Departamento ay nakapaglabas na ng P2B para tulungan ang mga LGU na nahihirapang maglalabas ng Local Budget Circular na magbibigay ng mga guidelines sa pagpapalabas at paggamit ng financial assistance.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo