Panukalang absolute divorce, muling isinulong sa Senado

0
258

MAYNILA. Muling inihain ni Senadora Risa Hontiveros ang Senate Bill 394 o “Dissolution of Marriage Act” na naglalayong gawing legal ang absolute divorce sa bansa.

Ayon kay Hontiveros, tungkulin ng estado na magbigay ng solusyon kapag tuluyan nang nasira ang isang kasal at hindi na magkasundo ang mag-asawa, upang mailigtas ang mga anak mula sa sakit, stress, at hirap na dulot ng patuloy na pagtatalo ng kanilang mga magulang.

Binigyang-diin ng senadora na bahagi na ng realidad sa lipunan ang pagkakaroon ng maraming “unhappy, failed, o abusive marriages” sa iba’t ibang antas ng pamumuhay. Base sa datos, kadalasang kababaihan ang biktima ng pang-aabuso at karahasan, at ayon sa panukalang batas, “the biggest perpetrator of physical and sexual violence against women is the husband.”

Mula 2004 hanggang 2012, nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng pagtaas sa kaso ng “Violence Against Women” (VAW). Iginiit ni Hontiveros na maraming kababaihan ang nais wakasan ang pang-aabuso at iginigiit ang karapatan na magkaroon ng absolute divorce.

Sakaling maging batas, dadaan sa legal na proseso ang paghihiwalay kung saan maaaring maghain ng petisyon ang isa o parehong panig. Kapag naaprubahan, maibabalik ang kanilang “single status.” Tiniyak din ng panukala na magiging mura, mabilis, at abot-kaya ang court proceedings, lalo na para sa mga mahihirap na litigants.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.