MAYNILA. Sinimulan na sa Senado ang pagtalakay sa panukalang batas na magbababa sa edad ng criminal responsibility mula 15 taon patungong 10 taong gulang, ngunit limitado lamang sa mga batang sangkot sa karumal-dumal na krimen.
Sa kanyang privilege speech, iginiit ni Senador Robin Padilla na ang mga menor de edad na gumagawa ng heinous crimes ay hindi na dapat ituring na simpleng bata, at dapat alam na nila ang bigat ng kanilang pananagutan. Binanggit niya ang ilang insidente ng panggagahasa at panghoholdap kung saan mga kabataan ang sangkot, at idinagdag na may malaking impluwensiya ang internet sa paghubog ng kanilang pag-iisip at asal.
Sa interpelasyon, sinabi ni Senador Raffy Tulfo na mas mababa ang edad ng criminal responsibility sa ibang bansa, gaya ng Australia at United Kingdom (10 taon) at Brunei at India (7 taon).
Ayon naman kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa, may mga pagkakataong hindi na ginagamit lang ng sindikato ang mga kabataan, kundi sila na mismo ang bumubuo nito. Dagdag pa niya, palaging nakahanda ang birth certificate ng mga batang nahuhuli upang patunayan ang kanilang edad.
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.






