Fajardo, aalisin bilang spokesperson ng PNP ayon kay Nartatez

0
447

MANILA. Inihayag ng bagong itinalagang acting chief ng Philippine National Police (PNP) na si Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na aalisin niya si Brigadier General Jean Fajardo bilang tagapagsalita ng pambansang pulisya.

Ayon kay Nartatez, ang tungkulin ng tagapagsalita ay nakatalaga sa Public Information Office (PIO) na pinamumunuan ni Brigadier General Randulf Tuaño.

Si Fajardo ay unang inatasan ni dating PNP Chief Nicolas Torre III bilang hepe ng Directorate for Comptrollership, habang sabay na gumaganap bilang tagapagsalita. Bahagi ng kanyang trabaho ang pagtulong sa administrasyon at pamamahala ng mga pondo ng PNP.

“Designated siya na spox, eh nandito ang ating PIO. Eh, under naman ‘yon doon dapat. Eh, ‘di parehas kami – ‘yong Office of the Chief PNP, merong spokesperson at merong PIO. Eh, parang iisa lang yata ‘yon,” pahayag ni Nartatez.

Wala pang inilalabas na opisyal na kautusan kaugnay nito, ngunit pinayuhan na ni Nartatez ang media na makipag-ugnayan kay Tuaño para sa mga opisyal na pahayag ng PNP.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.