Nagtapos ang 2021 sa PH ng may halos 3K na bagong Covid-19 infections

0
219

Nagsara ang taong 2021 na ang bansa ay may kabuuang 2,843,979 na confirmed case ng Covid-19 matapos maitala ang 2,961 new infections noong Bisperas ng Bagong Taon.

Ang nangungunang rehiyon na may pinakamaraming kaso sa nakalipas na dalawang linggo ay ang National Capital Region na may 1,981 o 68 porsiyento, Calabarzon na may 431 o 15 porsiyento, at Region 3 na may 179 o 6% ng mga bagong kaso sa bansa, ayon sa report ng Department of Health (DOH).

Ang mga bagong kaso noong Biyernes ay nagpakita ng 82.4 porsyento ng pagdami mula noong Huwebes na 1,623, ito ay nagtaas sa bilang ng active cases sa 14,233.

Sa mga aktibong kaso, 8,365 ang banayad, 628 ang asymptomatic, 342 ang kritikal, 1,701 ang malala, at 3,197 ang katamtaman.

“Of the 2,961 reported cases today, 2,927 or 99 percent occurred within the recent 14 days – December 18 to 31, 2021,” ayon sa DOH.

Sa Covid-19 bulletin, naitala rin ang DOH ng 481 na bagong recoveries na nagtulak sa kabuuang bilang ng recoveries sa 2,778,242.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.