Mga raliyista sumugod sa DPWH Bacolod, accounting ng P7 bilyong proyekto hinanap

0
301

BACOLOD CITY. Nilusob ng mga kasapi ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan)-Negros ang opisina ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa lungsod nitong Martes upang igiit ang buong accounting ng flood control projects na nagkakahalaga umano ng P7 bilyon.

Ayon sa grupo, sa kabila ng malaking pondo na inilaan, patuloy pa rin ang matinding pagbaha sa Bacolod na naglalagay sa panganib sa mga residente.

“Gusto namin ng accounting ng pera ng taumbayan,” pahayag ni Bayan Muna spokesperson Noly Rosales.

Binatikos din ng mga nagprotesta ang DPWH dahil sa umano’y kakulangan ng koordinasyon sa mga proyekto, na nagdulot pa ng pagbagsak ng ilang poste ng kuryente.

Kasabay nito, nanawagan ang grupo ng masusing pag-usig at pagkakakulong sa mga umano’y “corrupt” na opisyal ng DPWH at iba pang sangay ng pamahalaan. Kinuwestiyon din nila ang pananahimik ni Bacolod Mayor Greg Gasataya hinggil sa isyu.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.