Gabriela Party-list nakatakdang iproklama bilang ika-64 na kinatawan

0
381

MAYNILA. Nakatakdang iproklama ng Commission on Elections (Comelec) si Gabriela party-list first nominee Sarah Elago bilang ika-64 na nanalong kinatawan ng party-list sa Mababang Kapulungan.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, ito ay bilang pagsunod sa itinakdang probisyon ng Konstitusyon na dapat ay 20 porsyento ng kabuuang bilang ng mga miyembro ng Kamara ay mula sa party-list system.

Ipinaliwanag ni Garcia na matapos ang kanilang pagsusuri, ang 63 party-list seats na ipinroklama matapos ang 2025 elections ay kumakatawan lamang sa 19 porsyento ng kabuuang bilang ng mga kinatawan.

Dagdag niya, ang paglalaan ng ika-64 na puwesto ay magdadala sa kabuuang 20.4 porsyento ng House membership. “Mas mabuting maging sobra para masiyahan ang kondisyon ng Konstitusyon,” ani Garcia.

Sinabi pa ng opisyal na ang Comelec en banc ang magpapasya hinggil sa usapin sa Miyerkules, at inaasahan ding gagawin ang opisyal na anunsyo sa parehong araw.

Target ng Comelec na maiproklama ang ika-64 na party-list representative sa Huwebes.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.