MAYNILA. Bukod sa mga nakatakdang protesta laban sa katiwalian sa EDSA People Power Monument at Luneta ngayong Linggo, Setyembre 21, inanunsyo ng mga organisasyon na magsasagawa rin ng katulad na pagkilos sa iba’t ibang lungsod sa labas ng Metro Manila.
Sa Cebu City, idaraos ang demonstrasyon sa Plaza Independencia, habang sa Iloilo City ay magsasagawa ng martsa mula Jaro Plaza patungo sa kapitolyo ng lalawigan. Mayroon ding nakatakdang pagtitipon sa public plaza sa Bacolod City.
Samantala, sa Davao City, magsasagawa ng prayer rally sa Freedom Park ang mga tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang mga protesta ay idinadaos sa gitna ng kontrobersya kaugnay ng mga flood control projects na patuloy na tinutuligsa ng iba’t ibang sektor.
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.






