Dr. James Lee Ho: Gumamit ng tamang face mask upang makaiwas sa Omicron variant

0
174

“Noong inirerekomenda ng mga eksperto ang pagsusuot ng face mask, ang social distancing, ang laging maghugas ng kamay at pag iwas sa mga mataong lugar, ang gusto nilang iparating sa atin ay bawasan natin ang exposure sa virus na pwede nating makuha,” ayon kay San Pablo City Health Officer Dr. James Lee Ho.

“Ang facemask ay bahagi ng comprehensive strategy of measures upang sugpuin ang hawahan at magligtas ng mga buhay laban sa Covid-19. Upang makaiwas sa impeksyon ng Omicron variant na inaasahan ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) na mas mabilis kumalat, tamang uri ng facemask ang isa sa mga solusyon,” ayon kay Dr. Lee Ho.

Tinuran ng city health officer ang abiso ng CDC na ang exposure sa virus ay depende sa facemask na ating gagamitin.

Ayon sa CDC, aabutin ng 25 oras para mailipat ang isang nakakahawang dami ng Covid-19 sa pagitan ng mga taong nakasuot ng non-fit tested N95 respirator. Kung gumagamit naman ng mahigpit at selyadong mga N95 kung saan ay 1% lamang ng mga particle ang pumapasok sa facepiece, meron silang ng 250,000 oras na proteksyon.

Basahin ang resulta ng pag aaral ng CDC tungkol sa bilis ng hawahan kung walang facemask, gumagamit ng cloth mask, surgical mask at N95 respirator:

Kaugnay nito, patuloy na ipinaaalala ni Dr. Lee Ho ang limang mahahalagang hakbang kung paano umiwas sa Covid-19 partikular sa Omicron Variant.

  1. Magpabakuna at magpa booster dose.
  2. Magsuot ng tamang face mask.
  3. Manatiling sumusunod sa social distancing.
  4. Laging maghugas ng kamay.
  5. Pagbutihin ang bentilasyon at air filtration ng hangin saan ka man pumunta.
Author profile
sandy-belarmino
Sandy Belarmino

Si Sandy Belarmino ay 17 taon ng naglilingkod sa larangan ng pamamahayag. Naging broadcaster siya sa radyo at local TV.  Media correspondent din sya at columnist sa iba’t ibang dyaryo ng lokal sa San Pablo City. Si Sandy ay kasalukuyang pangulo ng Seven Lakes Press Corps.