Escudero, Romualdez, Tarriela kabilang sa mga isinailalim sa lookout order sa flood control anomaly

0
652

MAYNILA – Isinailalim sa immigration lookout bulletin sina Sen. Chiz Escudero, House Speaker Martin Romualdez, at Occidental Mindoro Rep. Leody “Odie” Tarriela, matapos silang maisama sa mga opisyal na iniimbestigahan kaugnay ng umano’y anomalya sa mga flood control project sa bansa.

Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na inaprubahan nito ang kahilingan ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na maglabas ng Immigration Lookout Bulletin Orders (ILBOs) laban sa ilang kasalukuyan at dating mambabatas, gayundin sa ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon sa ICI, ang hakbang ay bahagi ng malawakang imbestigasyon sa umano’y katiwalian sa paggastos ng pondo para sa mga proyektong pang-imprastraktura. Nilagdaan ni ICI Chair Andres Reyes Jr. ang kahilingan noong Oktubre 8, 2025, na sumasaklaw sa ilang kilalang personalidad sa politika.

Kasama sa listahan ang mga sumusunod:
• Sen. Joel Villanueva
• Sen. Jinggoy Estrada
• Former Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr.
• Mayor Maria Lourdes “Nancy” Binay Angeles
• Commissioner Mario G. Lipana at Marilou Laurio-Lipana
• Undersecretary Trygve L. Olaivar
• Carlene Villa
• Maynard Ngu
• Cong. Roman Romulo
• Cong. James “Jojo” Ang
• Cong. Patrick Michael “PM” Vargas
• Cong. Juan Carlos “Arjo” Atayde
• Cong. Nicanor “Nikki” Briones
• Cong. Marcelino “Marcy” Teodoro
• Cong. Florida “Rida” Robes
• Cong. Eleandro Jesus Madrona
• Cong. Benjamin “Benjie” Agarao
• Former Cong. Florencio Gabriel “Bem” Noel
• Cong. Reynante “Reynan” Arogancia
• Former Cong. Marvin Rillo
• Cong. Teodorico “Teodoro” Haresco Jr.
• Cong. Antonieta Eudela
• Cong. Dean Assistio
• Cong. Marivic Co-Pilar
• District Engr. Loida Busa
• “Bogs” Magalong
• District Engr. Ramon Devanadera
• District Engr. Johnny Protesta Jr.
• District Engr. Arturo Gonzales Jr.

Paliwanag ng ICI, ang ILBO ay hindi pa nangangahulugang pagbabawal sa pagbiyahe o warrant of arrest, ngunit nagbibigay ito ng abiso sa mga immigration officer sakaling tangkaing umalis ng bansa ang sinumang kabilang sa listahan.

Ayon kay ICI Executive Director Brian Keith Hosaka, mahalaga ang agarang pag-isyu ng lookout order “upang maiwasan ang pagtakas at masiguro ang pananagutan ng mga sangkot.”

Dagdag pa ni Hosaka, inimbitahan ng ICI sina Speaker Martin Romualdez at Budget Secretary Amenah Pangandaman na dumalo sa pagdinig sa Oktubre 14, habang si Rep. Zaldy Co ay pinadalhan ng subpoena duces tecum kaugnay ng umano’y budget insertions sa mga proyekto ng DPWH.

Giit ni Hosaka, mananatiling hindi ila-livestream ang mga pagdinig upang maprotektahan ang karapatan ng mga iniimbestigahan, bagama’t “patuloy umano magbibigay ng mga updates at impormasyon sa publiko” ang ICI.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.