Bagong bagyo na posibleng maging super typhoon nagbabantang pumasok sa PAR

0
330

MAYNILA — Habang patuloy na nananalasa ang Typhoon Tino (international name Kalmaegi) sa Visayas at Luzon, iniulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na isa pang bagyo ang posibleng makapasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong darating na Biyernes o Sabado at may potensyal na maging isang super typhoon.

Ayon sa PAGASA, ang namumuo ngayon ay isang tropical depression na nakaposisyon sa layong humigit-kumulang 1,985 kilometro silangan ng Northeastern Mindanao, may lakas ng hangin na hanggang 55 km/h at bugso na hanggang 70 km/h.

Kapag pumasok sa PAR, ito ay tatawaging “Uwan” at inaasahang lalakas nang husto habang nasa Philippine Sea, na posibleng maabot ang kategoryang super typhoon ngayong weekend.

Sa kabilang dako, kay Typhoon Tino ay kasalukuyang nakataas ang Signal No. 4 sa mga lugar gaya ng Cuyo Islands, hilagang bahagi ng Negros Oriental, Guimaras, Capiz, Iloilo, at iba pang bahagi ng Antique at Aklan.

Pinapayuhan ng ahensiya ang publiko na maging alerton, dahil bukod sa malalakas na hangin ay may panganib din ng pagbaha o landslide sa ilalim ng malakas hanggang matinding pag-ulan.

Ang pag-arangkada ng bagyong Uwan ay nagpapahiwatig na hindi pa natatapos ang malalaking hamon sa panahon sa bansa ngayong taon, kaya mahalaga ang maagap na paghahanda ng mga lokal na pamahalaan at komunidad upang maproteksyunan ang buhay at ari-arian.

Typhoon Warning

Bagyong Uwan

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.