Ekonomiyang pulitikal ng pampublikong pagamutan

0
908

Mayroong etnograpiya limang taon pa lamang ang nakararaan ang noo’y isang kandidata ng PhD na si Rachel Winter ng University of Sheffield na tumalakay sa asal ng mga kalalakihan sa Pilipinas pagdating sa pagkain at pumansin ng bahagya sa kalagayan ng pamamahala ng mga ospital. Ayon kay Winter, limitado ang resources ng 30% ng mga manggagamot sa mga pampublikong ospital sa kabila ng dami ng mga pasyente. Libre man daw ang pagpapaospital, nagbabayad naman ng mga gamot ang mga pasyente; meron tuloy na delay sa gamutan hanggang sa makahagilap ng pondo ang mga kaanak ng mga pasyente. Sa kanyang halimbawa (Kirby et al., 2014), ang oras daw sa distribusyon ng antibiotics sa mga batang may kanser ay konektado (correlated) sa kita ng kanilang mga pamilya, samantalang mas matagal naman ang paghihintay ng mga mahihirap.

Hindi na bago ang mga resulta ng pag-aaral ni Winter dahil meron naman tayong datos patungkol sa lumalalang kalagayan ng mga pasyente sa bansa na nangamamatay nang hindi man lamang magawang magpatingin sa doktor. 89 na araw ang ginugol ni Winter sa bansa para sa kanyang malalimang imbestigasyon. Hindi lamang siya nagmasid ng mga pangyayari, kundi aktibo rin siyang nakilahok sa etnograpiya. Walang bahid pulitika ang dayuhang mag-aaral, kaya marami-rami ang gumagamit ng datos niya noong 2017, maging ng kanyang maiksi ngunit puno ng basehan na pagtalakay ng kagalingan ng mga pasyente (at kanilang kahinaan).

Sources ni Winter ang nagsabing matagumpay ang PhilHealth sa pagpapatupad ng “accessible” na pangangalaga ng kalusugan ng bawat pangkat ng estado sa buhay, kabilang ang 20 milyong Pilipinong nasa talaan ng PhilHealth noong 2010. Target man ang mga mahihirap (indigents), hindi naman klaro kung sino ba silang mga tinutukoy. 

Aniya: “(PhilHealth) aims to provide either reduced or free healthcare depending on the individual’s income. However, there are a number of problems with PhilHealth. It is aimed at impoverished people, yet it expects potential participants to understand and fill out the forms. Low education rates, especially amongst the poor, make this a difficult task.”

Napaaga ang dating ni Winter dahil kung hindi, mas mabibigyang-diin niya ang masalimuot na pinagdadaanan ng mga kasapi ng PhilHealth sa panahong 2020 at 2021 nang humarap (at patuloy pa) sa COVID-19 pandemic ang mundo. At mukhang hindi naman patatalo ang iskandalo sa Pharmally sa maanomalyang transaksyon para suplayan ang pamahalaan ng mga PPE at face shield.

Sa pagtaya ng World Health Organization noong 2011, 60% ng 1,781 pagamutan ay pribado at 40% naman ay pinag-mamay-arian ng gobyerno. Ayon kay Winter: “Again this limits accessibility to healthcare, as private hospitals are more expensive to attend but provide the best healthcare. Hospital administration has been decentralized from the state government to local government units. Although the Department of Health does still run a handful of hospitals, the responsibility of the majority rest with local government units (Sy, 2003). The structure and administration in healthcare service are extremely complex, and regionally differ. Mayors, city officials, senior doctors and the Department of Health all influence the healthcare facilities in each area. Power structures within the medical system seem to be an uninterpretable web of people from every aspect of healthcare provision. It would also seem that financial influences are particularly poignant in decision making abilities. For these reasons, ethnomedical healthcare is still commonly used. The continued use of alternative healing has been explained by financial hardship, proximity to a medical center, low education rates and cultural beliefs. Of these the former three have received the most political attention and finance as they are easier to quantify and rectify with the right resources. However, cultural beliefs and understanding of healthcare still do gain some attention.”

Pinatotohanan ni Winter ang aking pag-analisa noong nakaraang Miyerkules na hindi nailalapit sa mga tao ang serbisyong pangkalusugan at lumalabas tuloy silang mangmang sa karapatang mapaglingkuran ng pamahalaan.

Agawan ng credit ang mga taga suporta ng mga lokal na opisyal sa Laguna, partikular sa kapitolyo nito. Pinasinayaan umano ang bagong gusali ng LPH San Pedro District Hospital ilang taon pa lamang ang nakalilipas. Nang makakita ng larawan ng bagong gusali, may mga nag post sa social media malapit sa araw ng inagurasyon ng ospital (pakiwari ko’y sinasadyang nilang naka-acronym ang pangalan ng ospital dahil dalawang beses mababanggit ang salitang “hospital” as in “Laguna Provincial Hospital, San Pedro District Hospital”). Ganito ang Facebook posts na patunay na mababaw ang paglilingkod-pangkalusugan kung meron man: 

M.B.D.L: Ang ganda naman (ng larawan). Good job, (gov).

J.S.: Yang lugar na yaan sa loob ng United San Pedro, dati sinimulan ni (gobernadora) at hindi natapos kaya itinuloy ni (gobernador)

L.L.: San po yang LPH-San Pedro District Hosp?

R.S.: Sa may Holiday Homes yan Phase 1

O.R.: Nalibot ko na buong San Pedro walang ganyang Building ?

O.R.: L.L., dko din alam kung saan banda yan.hahahah

Makikita sa logo ng ospital ang taong 1992. Malapit iyon sa 1990 kung kailan pinirmahan ng noo’y Pangulong Corazon Aquino ang panukalang batas (orihinal na mula sa H. No. 6338). Nasa https://www.officialgazette.gov.ph/1990/03/09/republic-act-no-6928/ : “Approved on March 9, 1990: An Act establishing a ten-bed municipal hospital in the Municipality of San Pedro, Province of Laguna, to be known as the San Pedro Municipal Hospital, and appropriating funds therefor.”

Ulitin natin: 1990 ipinasa ang batas at merong nakalagay sa logo ng ospital na 1992, kaya ang inagurasyon/implementasyon ay sa pagitan ng 1990 at 1992. Ngunit dahil sa paglalaro (playing around or renaming) ng pangalan ng ospital, nakadaragdag ito sa kalituhan, imbis na pag-usapan ang kalidad ng paglilingkod o kung paano ito mapapaunlad. Pasok ito sa 2012 Annual Audit Report na available sa COA website at nababanggit doon ang palitan ng mga pangalan ng siyam na ospital sa Laguna (pati na rin “retained”, “old” and “new” names) sang-ayon sa Resolution No. 280 s.2012 and Provincial Ordinance No. 9 s.2012.

Sa bagong pangalan, merong inagurasyon? Sa bagong gusali, may bagong bayani ang mga pasyente? Nawa’y magsanib-pwersa ang propesyong medikal sa pampubliko at pribadong sektor, gayundin ang mga nasa “public office” na may kaakibat na “public trust” nang sa gayon, matutukan talaga ang kalagayan ng mga pampublikong pagamutan para sa universal healthcare at mabigyan ng karampatang atensyon ang mga mahihirap nating kababayan.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.