Typhoon Uwan lumalayo na sa Luzon, nag iwan ng baha at malawakang evacuation

0
427

MAYNILA — Lumalayo na sa Luzon ang Typhoon Uwan, international name Fung wong, matapos itong mag landfall sa Northern Luzon kagabi, Nobyembre 9. Nagdulot ang bagyo ng malawakang pagbaha, power interruptions, at hindi bababa sa walong nasawi. Mahigit 1.4 milyong residente ang naapektuhan at inilikas ayon sa mga ahensiyang pangsakuna.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration sa kanilang 5 p.m. bulletin, huling namataan si Uwan sa coastal waters ng Bacnotan, La Union, humigit kumulang 175 kilometro kanluran ng Sinait, Ilocos Sur.

• Maximum sustained winds: 150 km/h
• Gustiness: hanggang 230 km/h
• Movement: west northwest sa 25 km/h
• Central pressure: 955 hPa

Bagaman at humina ito mula sa super typhoon tungo sa typhoon category, patuloy itong nagdadala ng moderate to heavy rains sa Ilocos Region, Cordillera, at kanlurang bahagi ng Central Luzon.

Nananatili ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 4 sa ilang lalawigan sa hilagang bahagi ng bansa dahil sa destructive winds at banta ng storm surge sa kanlurang baybayin. Nakataas pa rin ang mas mababang wind signals, bilang 3, 2, at 1, sa ilang bahagi ng Ilocos, Zambales, Pangasinan, Benguet, at Nueva Vizcaya.

Nagbabala ang PAGASA laban sa
• pagbaha at landslide sa mababa at bulubunduking lugar,
• rough to very rough seas sa western coast ng Luzon, at
• dangerous conditions para sa maliliit na sasakyang pandagat at coastal communities.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, higit 1.4 milyong indibidwal ang naapektuhan sa iba’t ibang rehiyon, karamihan sa Northern at Central Luzon. Libo libong kabahayan ang napinsala o nasira habang nagpapatuloy ang clearing at relief operations ng mga lokal na pamahalaan at pambansang ahensiya.

Patuloy na pinaaalalahanan ang publiko na sundin ang mga abiso ng PAGASA at ang mga direktiba ng kanilang City Disaster Risk Reduction and Management Office para sa kaligtasan habang papalayo ang bagyo sa bansa.

Inaasahang maaaring lumabas si Uwan mula sa PAR ngayong gabi o bukas ng umaga, depende sa bilis at pagbabago ng direksyon nito.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.