Co, Chiz, Jinggoy, Joel at iba pa, aarestuhin na kaugnay ng anomalya sa flood control projects

0
392

MAYNILA — Nakatakdang ipalabas ng Office of the Ombudsman ang mga arrest warrant laban kina dating Ako Bicol Representative Zaldy Co, Senators Chiz Escudero, Jinggoy Estrada, Joel Villanueva, dating Senador Bong Revilla, at iba pang mataas na opisyal ng gobyerno kaugnay ng anomalya sa flood control projects sa darating na Disyembre.

Ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla sa panayam sa Facts First ng ANC, ang mga nabanggit ang unang sasampahan ng arrest warrants na inaasahang mailalabas ng tanggapan ng Ombudsman sa Disyembre 15 at 16.

“There are many of them, more than 30 already, maybe even 40, including officials of the companies,” ani Remulla, at paliwanag niya, ang kaso ay hindi lamang nakapaloob sa malversation at graft.

Kasama rin sa mga kakasuhan ang mga kontraktor, engineers, at opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Sinabi ni Remulla na sina Co, ang Sunwest Construction and Development Corporation, ang Regional District Engineer, at iba pang opisyal ng District Office ang unang sasampahan ng kaso sa Sandiganbayan.

Binanggit din ni Remulla na credible ang testimonya ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo, bagaman may ilang detalye itong nakalimutan. Idinagdag niya na huwag nang magtago ang mga indibidwal sa oras na maipadala na sa kanila ang arrest warrant.

Una nang inirekomenda ng Independent Commission for Infrastructure na sampahan ng kasong graft at malversation ang mga senador, DPWH executives, at kontraktor na sangkot sa anomalya sa flood control projects.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.