MAYNILA — Nagpahayag ng matinding pag-aalala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kalagayan ng kanyang kapatid na si Sen. Imee Marcos matapos ang mga pahayag nito tungkol sa umano’y paggamit ng ipinagbabawal na gamot ng Pangulo at ng kanilang pamilya.
Sa isang press briefing sa Malacañang, sinabi ni Marcos na bagama’t ayaw niyang ilantad sa publiko ang mga suliranin ng pamilya, nag-aalala sila sa kalagayan ng senadora. Aniya, ganoon din ang pananaw ng kanilang mga pinsan at kaibigan, kaya umaasa silang gumaling na si Imee.
“That view is shared by our cousins, our friends, hindi siya yan. So that’s why we worry. I hope she feels better soon,” ani Pangulong Marcos.
“For a while now, we’ve been very worried about my sister. When I say we, I’m talking about friends and family. The reason that is because the lady that you see talking on TV is not my sister,” dagdag niya.
Sa tanong kung nag-usap na sila ni Sen. Imee tungkol sa alegasyon, sagot ng Pangulo, hindi na sila pareho ng direksyon, pampulitika man o iba pa.
Agad namang tumugon si Imee sa pahayag ng Pangulo sa pamamagitan ng Facebook post: “Bongbong, ako ‘to, kung anu-ano na nakikita mo ading. Patunayan mong mali ako — gusto kong mali ako.”
Matatandaang sa kaniyang speech sa INC rally, inakusahan ni Imee ang Pangulo, FL Liza, at Rep. Sandro Marcos ng umano’y paggamit ng ilegal na droga.
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.






