Nakiusap ang DILG sa mga Pinoy sa buong mundo: I-report si Zaldy Co kung makikita

0
350

MAYNILA – Nakiusap si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla sa lahat ng mga Pilipino sa buong mundo na kung makikita nila ang dating Ako Bicol representative na si Zaldy Co, agad itong kuhanan ng litrato at i-post sa internet upang makatulong sa gobyerno na matunton ang kanyang kinaroroonan.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Remulla na kasalukuyang hinihinala nilang nasa Portugal si Co at doon umano naninirahan.

“Zaldy Co is believed to be in Europe, suspected to be in Portugal. He is suspected to have a Portuguese passport acquired so many years ago. Iyon lang ang details,” paliwanag ni Remulla.

Nang tanungin kung may hawak na golden visa si Co, sinabi ng Kalihim na ang Department of Foreign Affairs (DFA) ang tamang ahensya na sasagot sa bagay na ito, hindi ang DILG.

“The DFA is the best person to answer,” dagdag pa niya.

Inamin din ni Remulla na may pinagsamang pagsisikap ang gobyerno para mahuli si Co.

“It is a whole-of-government approach to get Zaldy Co. DFA, the DILG, the Ombudsman, the DOJ are all working together in order to get a satisfying outcome into the repatriation of Zaldy Co back to the Philippines. To what those measures are, I cannot speak of yet but I think when it comes to repatriation, DFA should be the lead. Sila dapat ang magsabi kung anong gagawin,” ayon sa Kalihim.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.