MAYNILA — Matapang na humarap si House Majority Leader Sandro Marcos nitong Huwebes sa pagdinig ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) kaugnay sa umano’y anomalya sa flood control projects sa bansa.
Ayon kay Marcos, boluntaryo siyang humarap sa komisyon at hindi siya isinailalim sa subpoena o naging subject ng anumang imbestigasyon.
“I came here on a voluntary basis so I could help the ICI with their investigation,” ani Marcos,
“However, I am willing to give and tell the ICI anything that I might know that will further the investigation,” dagdag niya.
Agad namang humiling ang kanyang abogado na magkaroon ng closed-door meeting, na inaprubahan ni ICI Commissioner Andres Reyes Jr.
Pagkatapos ng executive session, muling iginiit ni Marcos sa media na walang katotohanan ang umano’y P50 bilyong budget insertion niya mula 2023 hanggang 2025.
“It’s pure fabrication and pure lies. It’s a move that reeks of desperation, it’s political ploy and I’ve already attributed it to destabilization of the government,” ani Marcos.
Tinukoy din niya ang alegasyon ni dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co na P100 bilyong insertion ng kanyang amang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at iginiit na imposibleng mangyari ito.
“Honestly to my knowledge, no it’s not possible. Because first of all, the executive has nothing to do with the legislative. And secondly, the allegations are untrue. I did not do any such a thing. Kung nakikita niyo po ‘yung listahan, may mga project diyan sa Davao City nakalagay, nakalista. Alam naman natin sinong nakatira do’n, ba’t naman po ako maglalagay ng projects doon,” paliwanag niya.
Binigyan din ni Marcos ng awtoridad ang ICI na ilabas ang video ng kanyang testimonya kung naniniwala ang komisyon na walang impormasyong makaaapekto sa imbestigasyon.
Humarap si Rep. Marcos sa ICI matapos idawit ni Co sa umano’y budget insertions sa mga proyekto ng gobyerno.
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.






