Taas-presyo sa gasolina, rollback sa diesel at kerosene inaasahan sa susunod na linggo

0
275

MAYNILA — Inaasahang magkakaroon ng iba’t ibang galaw sa presyo ng langis sa susunod na linggo, ayon sa Department of Energy (DOE).

Ayon kay Rodela Romero, Assistant Director ng DOE-Oil Industry Management Bureau, batay sa nakalipas na apat na araw ng international trading, tinatayang tataas ang presyo ng gasolina ng P0.70 kada litro, habang bababa ang diesel ng P0.45 kada litro at ang kerosene ng P0.25 kada litro. Hindi pa kasama sa pagtatantya ang operating cost ng mga kumpanya at iba pang premiums.

Binanggit ni Romero na nakaaapekto sa inaasahang pagbabago ang mga isyung geopolitikal tulad ng pag-atake sa Russian oil infrastructure sa Ukraine, tensyon sa pagitan ng US at Venezuela, at ang global crude oil surplus.

“Final adjustments will be determined after Friday’s MOPS [Mean of Platts Singapore] trading,” ayon sa kanya. Karaniwan nag-aanunsyo ang mga kumpanya ng opisyal na presyo tuwing Lunes, na epektibo kinabukasan.

Noong December 2, tumaas ang gasolina ng P0.20 kada litro, habang bumaba ang diesel at kerosene ng P2.90 at P3.20, ayon sa pagkakabanggit.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo