SAN PABLO CITY, Laguna — Isang positibong hakbang ang isinagawa para sa mas epektibo, magkakaugnay, at people-oriented na serbisyo sa tubig sa lungsod matapos ang matagal na hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng Local Government Unit (LGU) at ng San Pablo City Water District (SPCWD).
Nagpulong ang Board of Directors ng SPCWD kasama ang mga department heads at opisyal ng lungsod sa pangunguna ni Mayor Najie Gapangada upang talakayin ang pagsasaayos at pagpapabuti ng supply ng tubig. Pinangunahan naman ni Water District Chairman Architect Michael Manansala ang SPCWD sa pagpupulong, na nagbigay-linaw sa mga isyung bumabalot sa kinabukasan ng water district at tiniyak ang suporta ng LGU sa mga proyektong magpapalakas at magpapahusay sa serbisyo.
Taliwas sa mga kumakalat na balita tungkol sa pagsasapribado, tiniyak ng LGU na ang walang ganitong plano at layunin nito ay mas maayos na ugnayan at koordinasyon sa pagitan ng SPCWD at ng bagong administrasyon ng lungsod.
Parehong ipinakita ng LGU at SPCWD ang kanilang propesyonalismo at tunay na dedikasyon sa public service, na tiyak na mapapahalagahan ng kanilang mga nasasakupan.
Ayon kay Mayor Gapangada, ang pagkilos na ito ay isang magandang simula para sa mas matatag at maaasahang serbisyo ng tubig na nakatuon sa pangangailangan ng bawat residente ng San Pablo City.
Ang pulong na ito ay nagbigay-daan para sa mas bukas na komunikasyon, mas epektibong proyekto, at sama-samang pagtutok sa kapakanan ng mamamayan, na nagbibigay pag-asa para sa mas maayos at sustainable na waterworks system sa lungsod.
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.






