Iniutos ng Ombudsman sa DPWH na i-turn over ang mga computers at devices ni Cabral

0
243

MAYNILA — Inilabas ng Office of the Ombudsman ang subpoena na nag-uutos sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na ipasa at i-turn over ang lahat ng computers at iba pang devices na nakatalaga sa dating undersecretary na si Maria Catalina Cabral.

“Upon turnover, these devices will be subjected to forensic examination by a law enforcement agency to determine whether any data was altered, deleted, or tampered with after the Flood Control Scandal was first made public,” ayon kay Ombudsman spokesperson Mico Clavano sa isang pahayag nitong Lunes.

Dagdag pa niya, inaasahan nila ang agarang at buong pagsunod mula sa DPWH.

Sa tugon, sinabi ng DPWH na isusuko nito ang lahat ng data storage devices, dokumento, records, at files mula sa tanggapan ni Cabral sa Office of the Ombudsman at sa Philippine National Police.

“The Department remains committed to transparency and will continue to cooperate fully with investigating bodies to provide any further assistance required in the ongoing inquiry,” dagdag ng DPWH sa kanilang pahayag.

Si Cabral, na naiuugnay sa mga anomalya sa flood control projects, ay natagpuang “unconscious and unresponsive” noong Disyembre 18, sa isang bangin na 20 hanggang 30 metro sa ibaba ng isang highway ilang oras matapos niyang utusan ang kanyang driver na iwan siya sa bahagi ng Kennon Road sa Tuba, Benguet.

Idiniklara siyang patay makalipas ang hatinggabi noong Disyembre 19.

Ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla, sinuri ni Cabral ang bangin sa Tuba, na maaaring magpahiwatig ng “seriousness of the intent” na tapusin ang kanyang buhay.

Gayunpaman, sinabi ng Philippine National Police na kahit may ebidensiya na nagmumungkahi ng posibleng suicide ay patuloy pa rin ang kanilang imbestigasyon at wala pang pinal na konklusyon.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.