DOH: ‘Wag maalarma sa ‘super flu’; pinaalalahanan ang mga biyahero

0
252

MAYNILA — Tiniyak ng Department of Health (DOH) na walang dapat ikabahala ang publiko sa mga ulat tungkol sa tinatawag na “super flu.”

Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, ang mga flu outbreaks sa malalamig na bansa gaya ng Estados Unidos at United Kingdom ay kadalasang dulot ng winter conditions. Sa Pilipinas, aniya, karaniwang tumataas ang kaso ng influenza tuwing tag-ulan.

Gayunpaman, pinaalalahanan ni Herbosa ang mga Pilipinong bumibiyahe sa mga naturang bansa na magsagawa ng karampatang pag-iingat, kabilang ang pagbabakuna laban sa flu.

“Not alarming, but there is a new variant out there. If you’re going to North America or the UK, maybe get the Northern Hemisphere vaccine,” ani Herbosa.

Kinumpirma rin ng DOH na noong nakaraang taon, naka-detect sa Pilipinas ang 17 kaso ng bagong flu variant, ngunit pawang nakarekober ang mga pasyente.

Patuloy ang monitoring at preventive measures ng DOH upang matiyak ang kaligtasan ng publiko laban sa pagkalat ng flu at iba pang respiratory diseases.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.