Mahigit 1,000 Filipino nurses sumama sa malawakang welga ng mga ospital sa New York City

0
228

NEW YORK CITY — Mahigit 1,000 Pilipinong nurse ang kabilang sa tinatayang 15,000 pribadong hospital nurses mula sa tatlong pangunahing hospital system sa New York City na nag-walkout sa unang araw ng kanilang welga nitong Lunes, bilang protesta sa umano’y mabagal na pag-usad ng negosasyon sa sahod, benepisyo, at kakulangan sa mga kawani.

Isinagawa ang welga matapos mabigo ang magkabilang panig na magkasundo sa mga panawagan para sa mas mataas na kompensasyon, mas maayos na healthcare benefits, at sapat na bilang ng mga nars sa mga ospital. Ayon sa mga kalahok, nananatiling understaffed ang maraming pasilidad, na nagdudulot ng seryosong banta sa kaligtasan ng mga healthcare worker at pasyente.

Binigyang-diin ni Lorena Vivas, isang intensive care unit nurse na may dalawang dekada nang karanasan sa Mount Sinai Hospital, na pangunahing layunin ng welga ang proteksiyon sa kapakanan ng mga manggagawa at pasyente.

“We are here to protect the safety of patients, so we will not be complicit in their plans. If nurses are outside, people should know that something inside is wrong. Being here means we are actually protecting public safety. We are not to blame for hospitals that systematically understaff and cut benefits. We are here to fight for public safety and for healthcare benefits. In fact, we are on the side of keeping the public safe,” pahayag ni Vivas.

Samantala, sinabi ni Rosalita Feldman, isang nars sa Montefiore Hospital sa Bronx, na makatwiran ang kanilang mga hinihingi at umaasa silang tutugon ang pamunuan ng mga ospital.

“Our demand is safety for our nurses, which will result in safety for our patients. In some hospitals, nurses and doctors are being attacked, and it’s in the news. We want safety for ourselves, and that will mean safety for our patients. We want safe staffing, and with safe staffing comes patient safety. I’m not worried. We’re not asking for something difficult. We’re asking for our patients and ourselves to be safe at the same time,” ani Feldman.

Apektado ng welga ang sampung ospital sa ilalim ng NewYork-Presbyterian, Mount Sinai, at Montefiore, kung saan nagtatrabaho ang malaking bilang ng mga Pilipinong nars.

Sa mensaheng ipinadala ni New York Consul General Senen Mangalile sa GMA Integrated News, nagpahayag ang Philippine Consulate ng pag-asang maaayos agad ang alitan sa pagitan ng New York State Nurses Association at ng pamunuan ng mga ospital.

“The Consulate is proud of the skill set and work ethic of Filipino nurses working in New York hospitals. We are confident that their employers are similarly aware of the sterling qualities of our nurses. We hope these will be considered as negotiations continue and that an outcome favorable to all concerned will be reached soon,” ayon kay Mangalile.

Dahil sa welga, idineklara ni New York State Governor Kathy Hochul ang state of emergency upang matiyak ang kaligtasan ng publiko at ng mga pasyente. Ayon sa deklarasyon, ang nalalapit na welga ng mga nars ay maaaring magdulot ng matinding kakulangan sa staffing ng ilang ospital, na posibleng makaapekto sa paghahatid ng serbisyong medikal at magbanta sa pampublikong kalusugan at kaligtasan.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.