PBGen Hernia, nag inspeksyon sa mga Comelec checkpoints sa MIMAROPA

0
418

Calapan City, Oriental Mindoro. Nagsagawa ng inspeksyon kagabi sa mga Comelec checkpoint na ikinasa sa mga strategic na lugar sa lalawigan ng Oriental Mindoro ang Police Regional Office MIMAROPA sa pangunguna ni Regional Director PBGen Sidney Sultan Hernia kasama ang Command Group at regional staff ng nabanggit na regional police office.

Pinangunahan ng binuong Red Teams ang pagtiyak na maayos at epektibo ang mga checkpoint sa Oriental Mindoro gayon din sa iba’t ibang lalawigan at bayan sa MIMAROPA kaalinsabay ng Simultaneous Nationwide COMELEC Checkpoints bilang hudyat ng simula sa election period para sa 2022 national at local elections na itinakda mula Enero 9 hanggang Hunyo 8, 2022.

Layunin ng nabanggit na read team ang siguruhin na ang lahat ng checkpoint sa buong rehiyon ng MIMAROPA ay mahigpit na sumusunod sa pamantayang itinakda ng Comelec partikular ang firearms ban.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.