MAYNILA — Pumirma sa isang kasunduan ang Presidential Communications Office (PCO) at ilang pangunahing organisasyon ng pahayagan sa bansa upang palakasin ang kampanya laban sa fake news, misinformation at disinformation sa digital at social media platforms.
Ayon sa PCO, layunin ng kasunduan na protektahan ang publiko mula sa masamang epekto ng maling impormasyon at palawigin ang kooperasyon laban sa mga banta sa seguridad ng mamamayan sa pamamagitan ng pagsusulong ng transparency, media literacy, fact-based reporting, at responsableng information sharing.
Pinangunahan ni PCO Secretary Dave Gomez ang paglagda sa Memorandum of Understanding (MOU), kasama ang mga kinatawan mula sa The Philippine Star, BusinessWorld, BusinessMirror, Daily Tribune, Malaya Business Insight, Business Insight, Manila Bulletin, Manila Standard, Philippine Daily Inquirer, at The Manila Times.
Ang MOU ay bahagi ng inisyatiba ng PCO na tinawag na “Oplan Fake News,” na naglalayong pagtibayin ang sama-samang pagkilos ng pamahalaan at media organizations laban sa pagkalat ng maling impormasyon.
Pinagtibay rin sa kasunduan ang commitment ng bawat panig sa pagsusulong ng tama, verified at responsableng pag-uulat kasabay ng pag galang at pinananatili sa kalayaan sa pamamahayag.
“Disinformation thrives in darkness in confusion, in distortion, in deliberate deceit. But the truth has always been like daylight. And just as a magnifying glass focuses sunlight to reveal what is hidden, this collaboration concentrates the light of verified information, sharpening clarity and exposing falsehoods. In shining that light, we dispel the shadows where fake news attempts to hide,” pahayag ni Gomez.
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.






