Sta. Cruz, Laguna. Iniulat ni Laguna Police Acting Provincial Director PCOL Rogarth B. Campo kay PBGEN Eliseo Cruz ang pagkakaaresto sa dalawang suspek sa magkahiwalay na anti-illegal drugs buy-bust operation ng Laguna PNP kahapon, Enero 9, 2022.
Sa ilalim ng pangangasiwa ni PMAJ Jameson E. Aguilar, Chief of Police ng Bay. Laguna, inaresto si Michael Quintos Talla, 46 taong gulang, binata, isang online seller, at residente ng Brgy. Masapang, Victoria, Laguna, na nagbebenta ng iligal na droga sa pulis na nagsilbing poseur buyer kapalit ng 500 pesos na ginamit bilang buy-bust money na naganap sa Brgy. Dila, Bay, Laguna.
Nakumpiska kay Talla apat na sachet ng hinihinalang shabu, isang kaha ng sigarilyong walang laman, dalawang piraso ng isang daan piso one hundred peso bil at Honda Beat motorcycle na pula na may plakang 705UBJ. Nakuha din sa kanya ang isang limang daang piso na buy-bust money.
Sa bukod na operasyon ng Bay Municipal Police Station, nahuli naman si
Lawrence Lawas De Castro, 44 anyos, may asawa ay naninirahan sa Brgy. Maahas, Los Baños, Laguna, sa aktong nagbebenta ng droga sa isang police officer na poseur buyer sa buy-bust operations sa Brgy. Dila, Bay, Laguna.
Nakuha ng mga pulis sa suspek ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu at limang daang pisong buy-bust money.
Ang dalawang suspect hinihinalang nagbebenta ng iligal na droga sa pamamagitan ng online transaction, ayon sa ulat.
Ang mga inaresto ay kakasuhan ng paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 samantalang ang mga nakuhang ebidensya sa kanila ay ipapada sa Crime Laboratory Office upang sumailalim sa forensic examinations.
Roy Tomandao
Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.